Sa mga huling araw ng mga housemates, napapansin ko na ginagago na sila ni Kuya. GAGO, G-A-G-O.
Kailangan ba talaga silang paggawin ng harap-harapang nomination upang masubok ang kanilang pagsasama? Sa punot-dulo ay malalaman rin nilang hindi pala ito valid! Ang hirap nun, magnominate ng harap-harapan pagkatapos ng ilang buwang pagsasama.
Noong ipinasunog rin ni Kuya ang kanilang mga damit, napakawalang kwenta naman nun. Ano ba ang ikabubuti nun sa mga housemates maliban sa umanoy "pagsubok ng kanilang pagmamalasakit sa kapwa". Masakit ang iwan ng basta-basta ang ilan sa ating mga kagamitan, lalong-lalo na kung mayroon itong halagang sentimental. Tignan niyo nalang ang sakit na ipanapakita ng mga nasunugan ng bahay -- nawala ang lahat, ang ala-ala, photo albums, mga libro at iba pa.
Tama bang gawing "lab rats" ang mga housemates? Tama bang paglaruan sila sa national television?
Weird.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
mga BPI ang mga nag papatakbo ng PBB.. dapat lang e boycott ang palabas na yan! mga BPI!!!
tama ka nga nmn sa sinabi mo..
Post a Comment