Ako po si Conrad Miguel E. Gozalo, ang manunulat sa likod ng Build that Geek. Isa po akong Pinoy Internet Rantista kaso medyo nahihirapan akong isigaw ito gamit ang wikang banyaga tulad ng aking ginagawa sa aking ibang blogs.
Sa mahigit isang linggo ay lilipad na ako ng Maynila upang mag-aral ng kolehiyo sa Quezon City. Ako nga pala ay ipinanganak sa Lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat; lumaki sa Lungsod ng Heneral Santos (Gen. Santos City) at nag-aral sa Lungsod ng Davao.
Sisimulan ko na po ang blog ko sa post na ito.
--------------------
CAPTCHA. Completely Automated Public Turing test to tell Computers and Humans Apart. Ang CAPTCHA ay karaniwang ginagamit sa pagregister o sa pagcomment sa kung anu-anong website upang maiwasan ang automated registrations o automated posting ng mga komento.
Sa aking pagsetup ng blog na ito ay nakaranas ako ng CAPTCHA. Talaga naman na dapat ay makumpirma ng sistema ng Google na tao nga ako. Subalit paminsan-minsay nakakaasar na ito. Tulad naman nitong binigay sa akin sa paggawa ko ng blog na ito:

Pati ako ay nahirapan na sa kanilang binigay. Para bang ayaw nila akong paggawin ng bagong blog.
Ayun lang, nakakainis paminsan-minsan ang CAPTCHA. Pero tama rin naman, nasubukan ko ng magadminister ng websites. Mahirap talaga kung pinupuguran ng spambots, ang daming spam!
No comments:
Post a Comment