Sunday, December 28, 2008

Amf

Nakakaasar. Hindi na ako nasa taas ng results page ng UFC 92 na ito. Waaaaaa.

Mamaya na yung laban tapos bumababa pa ako sa rankings. Amf. Puta. Ganito siguro talaga ang buhay. Nagsisimula ng maging rant blog ang blog na ito. Waaaaaaaa.

Sana ay tangkilikin natin ang Watch UFC 92 post ko. Naasar na talaga ako. Ayoko na..

Kailangan ko ng pera. Oo, hangol ako sa pera. Waaaaaaa.

Wednesday, June 4, 2008

Pinoy Big Brother

Sa mga huling araw ng mga housemates, napapansin ko na ginagago na sila ni Kuya. GAGO, G-A-G-O.

Kailangan ba talaga silang paggawin ng harap-harapang nomination upang masubok ang kanilang pagsasama? Sa punot-dulo ay malalaman rin nilang hindi pala ito valid! Ang hirap nun, magnominate ng harap-harapan pagkatapos ng ilang buwang pagsasama.

Noong ipinasunog rin ni Kuya ang kanilang mga damit, napakawalang kwenta naman nun. Ano ba ang ikabubuti nun sa mga housemates maliban sa umanoy "pagsubok ng kanilang pagmamalasakit sa kapwa". Masakit ang iwan ng basta-basta ang ilan sa ating mga kagamitan, lalong-lalo na kung mayroon itong halagang sentimental. Tignan niyo nalang ang sakit na ipanapakita ng mga nasunugan ng bahay -- nawala ang lahat, ang ala-ala, photo albums, mga libro at iba pa.

Tama bang gawing "lab rats" ang mga housemates? Tama bang paglaruan sila sa national television?

Weird.

Pasok kayo!

Hi.

Ako po si Conrad Miguel E. Gozalo, ang manunulat sa likod ng Build that Geek. Isa po akong Pinoy Internet Rantista kaso medyo nahihirapan akong isigaw ito gamit ang wikang banyaga tulad ng aking ginagawa sa aking ibang blogs.

Sa mahigit isang linggo ay lilipad na ako ng Maynila upang mag-aral ng kolehiyo sa Quezon City. Ako nga pala ay ipinanganak sa Lungsod ng Tacurong, Sultan Kudarat; lumaki sa Lungsod ng Heneral Santos (Gen. Santos City) at nag-aral sa Lungsod ng Davao.

Sisimulan ko na po ang blog ko sa post na ito.

--------------------

CAPTCHA. Completely Automated Public Turing test to tell Computers and Humans Apart. Ang CAPTCHA ay karaniwang ginagamit sa pagregister o sa pagcomment sa kung anu-anong website upang maiwasan ang automated registrations o automated posting ng mga komento.

Sa aking pagsetup ng blog na ito ay nakaranas ako ng CAPTCHA. Talaga naman na dapat ay makumpirma ng sistema ng Google na tao nga ako. Subalit paminsan-minsay nakakaasar na ito. Tulad naman nitong binigay sa akin sa paggawa ko ng blog na ito:


Pati ako ay nahirapan na sa kanilang binigay. Para bang ayaw nila akong paggawin ng bagong blog.

Ayun lang, nakakainis paminsan-minsan ang CAPTCHA. Pero tama rin naman, nasubukan ko ng magadminister ng websites. Mahirap talaga kung pinupuguran ng spambots, ang daming spam!